Prepaid electricity scheme, tinututulan

prepaid-electricity

MARIING kinondena ng iba’t ibang grupo ang planong prepaid bill sa pagbayad sa nakonsumong kuryente dahil ito ay hindi makatarungan.

Ayon kay Dr. Merchie Ambalong, chairman ng Lanao Power Consumers Federation (LAPOCOF), 12 taon ang ginawang sakripisyo ng taga-Mindanao dahil sa serye ng pagtaas  ng bayarin sa kuryente at 20% kada 100 kw ang natitipid sa household budget.

Pinangangambahan pa ang nakaambang 39 sentimos na dagdag bayad sa kuryente  ngayong 2013 para matugunan ang stranded component ng universal charges.

“Kapag naisabatas ang prepaid retail electricity scheme, wala ng inaasahang discount sa kuryente ang milyon–milyon consumer, kapag wala ng load ay agad putol ang ilaw,” ani Ambalong.

Ang prepaid bill ng kuryente ay paglabag sa karapatan ng tao na mamuhay ng disente, hindi makatao at hindi mabibigyan ng magandang buhay ang mamamayan.

Anila,  ang prepaid  electricity  scheme ay lalong magtataas ang profits ng distribution utilities at sevenfold na babalikatin ng mga consumer.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply