Preso huli sa pagtutulak ng shabu

crime4

KARAGDAGANG kaso ang ipinataw ng mga awtoridad laban sa isang preso na nahuli sa aktong nagbebenta ng shabu sa loob mismo ng Zamboanga City Jail noong January 24, 2013.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G Cacdac, Jr., ang preso na si Dayne Natividad, 29 anyos, residente sa Araneta Drive, Sinunuc, Zamboanga City. Na nahaharap din sa kasong paglabag sa Section 5, (Sale of Dangerous Drugs), Article II, ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Si Natividad ay inaresto ng mga elemento ng PDEA Regional Office 9 (PDEA RO9) sa pamumuno ni Director Adzhar Albani at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Zamboanga City na pinangunahan naman ni  Jail Warden, Chief Inspector Julius Arro.

Nakumpiska kay Natividad ang isang sachet ng shabu habang binebentahan nito ang kapwa preso at marked money na umaktong buyer sa isinagawang buy-bust operation sa loob ng Zamboanga City Jail Facility, bandang alas 2:35 ng hapon.

Dahil dito, karagdagang paglabag sa  Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia), Article II, ng  RA 9165 ang ikinaso laban kay Natividad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply