Preso sa Zambo City inatake sa puso, patay

bangkay

ISANG preso sa loob ng Zamboanga City Reformatory Center ang namatay matapos atakehin sa puso kaninang alas 2 ng madaling araw (Enero 29).

Sinabi ni Zamboanga City Jail Warden C/Insp. Julius Arro, na ang biktimang si Domiciano dela Cruz ay hindi na umabot ng buhay sa Zamboanga City Medical Center (ZCMC) sanhi ng atake sa puso.

Sinabi ni Arro na bago ang insidente ay nagreklamo si Dela Cruz ng paninikip ng dibdib kaya inilabas ito ng kanyang selda at dinala sa ZCMC para sa kaukulang medical attention.

Pero habang ito ay nilalapitan ng lunas ay huminto ang tibok ng puso nito at idineklarang namatay sanhi ng cardiac arrest.

Hindi naman ibinabasura pa ng pulisya na may foul play sa pagkamatay ni Dela Cruz.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply