Presong Kano, Chinese national nahulihan ng 10 gramong shabu

camp-bagong-diwa

KARAGDAGAN pang asunto ang kinakaharap ngayon ng isang American at Chinese nationals makaraang mahulihan sila ng hindi kukulangin sa 10 gramo ng  shabu ng Bureau of Immigration (BI) sa loob mismo ng kanilang piitan sa Taguig City noong January 25, 2013.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga nahuling bilanggo na sina Tigor Hasonangan Shianipar, American National na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 6425, o Dangerous Drugs Act of 1972; at Shutak Mui, alias Allan Lee,  Chinese national na nahaharap naman sa kasong illegal possession of firearms sa ilalim ng Presidential Decree 1866 at kapwa nakapiit sa BI Detention Center sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Nabisto ang dalawa na may shabu matapos ang isinagawang Operation Greyhound ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Special Enforcement Service (PDEA SES) sa pangunguna ni  Director Laurefel Gabales, PDEA K-9 Unit (PDEA K-9) sa pamumuno naman ni Intelligence Agent 5 Lexington Alonzo, at mga tauhan ng BI sa loob ng detention cell.

Isinagawa ang operasyon dahil na rin sa kahilingan ng BI upang tiyakin na hindi gumagamit ng iligal na droga ang kanilang mga preso at maiwasan din na magkaroon ng iliegal na mga transaksiyon sa loob at labas ng piitan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply