Presyo ng gulay tataas

gulay2

PINANGANGAMBAHANG tumaas ang presyo ng mga inaangkat na gulay bunsod ng nararanasang malamig na panahon ngayon.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tiyak na giginawin ang mga gulay sa panahon ng Hanging Amihan kaya malaki ang posibilidad na magmahal ang presyo nito sa merkado.

Magugunitang naglalaro sa 10 hanggang 11 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City at Benguet province na pangunahing pinagkukunan ng suplay ng gulay ng mga taga-Metro Manila at iba pang kalapit na lalawigan.

Kaugnay nito, sumadsad sa 10 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio mula kagabi (Enero 15) hanggang kaninang madaling araw at inaasahang bubulusok pa ito sa single digit.

Ayon kay Wilson Lucando ng PAGASA, ang lamig ay bunsod ng amihan, ang hanging nagmumula sa natutunaw na yelo sa China at Siberia.

Samantala, dinadayo naman ng mga turista at bakasyunista ang malamig na panahong ito gunit dahil din lamig ay marami ang nagkakasakit partikular na sa mga bata.

Dahil dito, nagpaalala ang Department of Health (DOH), na uminom ng mainit na tubig o sabaw, magsuot ng makapal na damit at uminom ng vitamins upang lumakas ang resistensya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply