Primer vs Cybercrime Law, ipinamahagi ng DOJ

kontra-cybercrime-law

TATLONG pahinang primer ang inilabas ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa kontrobersiyal na Cybercrime Law.

Ito ay upang ipaalam sa publiko ang mga pang-aabuso na may kinalaman sa Cybercrime Law.

Ayon sa DoJ, sa naturang primer, 87 porsiyento ng mga Pinoy na gumagamit ng internet ay biktima umano ng cyber crime at mga malisyosong aktibidad sa cyber space.

Ayon sa ahensya, isang adbokasiya ang pamamahagi ng primer upang maiwasan ang mga pang-abuso sa internet.

Didinggin naman ng Korte Suprema ang oral arguments sa anti-cybercrime law dalawang linggo mula ngayon.

Ang nasabing argumento ay pansamantalang sinuspinde bilang tugon sa mga petisyon laban sa naturang batas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply