PRIVATIZATION NG OSPITAL AT DIVORCE: EPEKTO SA KABATAAN

burdado- jun briones

GINAGAGO na talaga tayo, parekoy, nitong matuwid na daan ng ating pamahalaan?

Tinutukoy natin ang isinusulong na pagsasapribado sa mga pampublikong ospital.

Hindi na nga nabibigyang pansin kung paano bibigyang solusyon ang iba’t ibang bayarin kahit sa mga pampublikong ospital, maging ang ilang kagamitan gaya na lang ng “gloves at syringe”, naririyan pa ngayon ang “privatization.”

Sa isang panayam, ipinagpipilitan ni DOH Sec. Enrique Ona na wala umanong epekto sa mamamayan ang pagsasapribado ng mga ospital at makatutulong pa nga ito dahil maglalagay sila ng mga makabago, sopistikado at mamahaling medical equipment.

Tangna, parekoy, lantarang gaguhan na talaga ito!

Gusto mo kaming papaniwalain, Sec. Ona, na ang mayayamang negosyante ay maglalagay ng malalaking puhunan pero hindi maniningil?

Na wala sa utak ng mga hinayupak na private investors ang Return Of Investment?

Ang sabihin mo, kaya hindi mararamdaman naming mahihirap ang epekto ng privatization ng hospitals dahil manhid na kami sa sobrang pahirap!

Inaasahan na rin po namin na isang araw ay lalagyan na ang bawat tao ng “meter” sa mga ilong para makwenta ang babayaran namin  sa  bawat  hangin na sinisinghot! Pwe!

-o0o-

USAPING “divorce” uli. Ayon sa mga kumokontra ay masama ang magiging epekto nito sa ating mga kabataan o mga anak ng mga maghihiwalay.

Uulitin ko, sa buong daigdig ay tanging ang Pilipinas na lang ang walang diborsyo. Ibig bang sabihin, ang lahat ng kabataan sa buong sansinukob ay karumal-dumal? Na ang kabataan na lang dito sa ating bansa ang kaaya-aya?

Tingnan ninyo ang kapaligiran, parekoy, ang naglipanang “street children” at ang malalang “malnutrition” bunsod ng kapabayaan dahil abala ang mga magulang sa pagbabangayan! Kung malala na talaga ang problema, ba’t hindi na lang sila hayaang maghiwalay?

Kung ang magiging epekto sa kabataan ang ating iniisip, bakit hindi na lang isabatas ang divorce? Malay mo, parekoy, ito pa ang magiging daan para maisaayos itong napakalalang suliranin natin sa kabataan!

Uulitin ko, bakit hindi natin gayahin na lang ang “buong mundo” sa aspetong ito?

Bawasan na rin ang kaekekan at kaipokrituhan!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply