Pro-RH na guilty sa pambabastos sa Simbahan, M’cañang hands off

carlos-celdran

HANDS OFF ang Malakanyang sa hatol ng Manila Metropolitan Trial Court (MTC) laban sa tour guide na si Carlos Celdran.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, tikom ang kanilang bibig sa isyung ito.

Hinatulan na guilty ng korte ang ginawang pambabastos ni Celdran sa Simbahang Katolika at ibang relihiyon nang magsagawa ng rally sa loob mismo ng simbahan.

Dahil dito, makukulong ng dalawang buwan si Celdran.

Matatandaang si Celdran ay mahigpit na taga-suporta ng Reproductive Health (RH) Bill.

Nagresulta naman ng iba’t ibang reaksyon ang hatol sa internet, kung saan marami ang nagsasabing tama lang ito dahil hindi absolute ang freedom of expression.

“We have no comment on that issue,” ang pahayag ni Usec. Valte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply