Probisyon ng Anti-Cybercrime Law, isinulong na ipasok sa EVAW

cybercrime

PINAAAMYENDAHAN ngayon ng Gabriela Partylist ang Anti-Violence Against Women and Children Act (RA 9262) kasabay ng mariing pagtutol sa Anti-Cybercrime Law.

Giit nina Reps. Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus na kailangan ng itigil na ang dahilan ng pamahalaan na labanan ang pang-aabuso sa mga kababaihan na nagaganap sa internet kaya dapat maipatupad ang Anti-Cybercrime Law.

Nais ng Gabriela na maidagdag sa probisyon ng (RA 9262) ang Electronic Violence Against Women (EVAW) o pang-aabuso sa mga kababaihan na makikita sa internet gaya ng pornograpiya.

Nakapaloob sa EVAW na ang anumang aksyon o eksploytasyon ng information and communications technology (ICT) gamit ang internet sa mga kababaihan na nagiging sanhi ng mental, emotional o psychological distress at paghihirap ng biktima.

Kasabay nito, hinamon ng grupo ang pamahalaang Aquino na gawing prayoridad ang nasabing pag-amyenda sa batas.

Ngayong araw ay sinimulan naman sa Korte Suprema ang oral arguments patungkol sa iba’t ibang petisyon na inihain laban sa Anti-Cybercrime Law.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply