Problema ng bansa, gawa ng mga matatanda ‘di ng mga bata – Cardinal Tagle

tagle

HINDI ang mga bata ang may kasalanan sa mga problemang kinakaharap ngayon ng bansa dahil ang lahat, aniya, ng problemang ito ay gawa ng matatanda.

Ito ang iginiit ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle sa kanyang homiliya nitong Linggo sa isang banal na misa para sa pista ng Sto. Nino.

Kasabay nito, sinisi rin ni Tagle ang mga ugali ng matatanda na nagiging masamang halimbawa, aniya, sa mga batang henerasyon.

“All the darkness, oppression and conflict most of the time is caused not by children but by adults who were not following God, but themselves. They put faith in themselves instead of God,” ayon pa kay Tagle.

Ayon kay Tagle, ang paghahangad ng mga tao ng pera at kapangyarihan ay nagdudulot ng kadiliman at problema, lalo na’t kung tingin na nila sa kanilang sarili ay isa na ring diyos.

Samantala, pinaalalahanan din ng Cardinal ang mga mananampalataya na parangalan ang Sto.Nino sa pamamagitan ng mga maliliit at simpleng aksiyon ng pananampalataya.

Aniya, dapat ring sundin ng mga mananampalataya ang magandang halimbawa ng Sto. Nino na pagiging masunurin sa nais ng Panginoon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply