Problemadong Zambo police official nagbaril sa sarili, patay

suicide-gun

NAGBARIL sa sarili ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa harapan mismo ng kanyang misis na tinamaan naman sa paa sa Zamboanga City kaninang umaga (Enero 19).

Hindi na umabot ng buhay sa ospital sanhi ng isang tama ng bala sa ulo ang biktimang si Senior Inspector Armand Terrania, deputy commander ng Divisoria Police Station 5 ng Zamboanga City Police Office (ZCPO).

Isinugod din sa pagamutan ang misis ni Terrania na hindi nakuha ang pangalan sanhi ng tama ng bala sa kaliwang paa.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 6 a.m. sa bahay ng mag-asawang Terrania sa Barangay Pasobolong sa Zamboanga City.

Ayon sa misis ni Terrania, bago ang insidente ay niyaya siya ng kanyang mister sa kanilang kuwarto at pagpasok ay bigla siyang niyakap nito nang mahigpit at sabay itinutok sa kanyang ulo at saka kinalabit ang gatilyo ng .9mm service pistol nito.

Bumanda naman ang bala sa pader at tumama sa paa ng misis ni Terrania.

Problema sa pamilya ang isa sa mga nakikitang dahilan sa pagpapakamatay ng opisyal pero hindi idinetalye ng misis ni Terrania ang dahilan.  (Robert C Ticzon)

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply