PROJECTS NI TUASON BUSISIIN AT ROXAS BINGI SA REGION 8

burdado-jun-briones

NAKIKIUSAP ang ilang taga-Masbate City na tulungan silang mapaimbestigahan ang ilang proyekto ni Mayor Socrates Tuason dahil kitang-kita umano ang anomalya rito.

Partikular na binanggit nila ang ginawang pagtambak sa harapan ng Masbate Terminal na ginastusan ng napakalaking halaga ng city government.

Dapat umanong ipaliwanag ni Tuason kung bakit sarili niyang lupa ang ginawang filling materials na nagkakahalaga ng milyones.

Dumaan ba ito sa matinong bidding? Hindi ba ito conflict of interest?

Sa sumbong, milyones ang ibinayad kay Tuason ng city government dahil lumalabas na ito ay kinontrata.

Ang ipinagtataka ng mga residente, kung ito ay under contract, bakit mga sasakyan, krudo at trabahador ng city gov’t. ang ginamit?

Oo nga ano? Aba meyor, dapat mo itong ipaliwanag para mabura sa kanilang isipan na malaki nga ang anomalya rito pa lamang sa proyektong ito!

Huwag mo nang pangambahan na madagdagan ang “graft and corruption case” mo sa Ombudsman. Ang nakababahala, meyor, baka mawalan na sila ng tiwala sa iyo.

Tiyak hindi nila iboboto ang asawa mong si Rowena Rejuso Tuason na siyang kakandidatong meyor ngayon!

-o0o-

HINDI lamang sa talamak na iligal na sugal sa buong Region 8 nagtetengang-kawali si DILG Sec. Mar Roxas kahit tumbok na ang centralized protection nito sa regional level ng PNP.

Maging sa napaulat kamakailan lang na pambabraso ng isang grupo ng contractors na nagpapakilalang mga “striker” sila ng LP (Balay group).

Ito, parekoy, ang grupo nina Mr. Secretario kung saan ang milyones na projects ng Department of Agriculture ay kanilang binabakuran!

Kahit sa bidding ay iba ang nanalo pero kina Secretario pa rin ibinigay ang “award” sa construction ng solar dryers!

Muli, bingi na naman si DILG Secretary Mar Roxas kahit kinakaladkad na nina Secretario ang Balay group ng Liberal. Bakit, Mr. DILG Secretary, striker mo nga ba talaga itong si Secretario? Ha?

Isipin mo, parekoy, ngayon pa lang na kailangan ni Sec. Roxas ang ating mga boto sa darating na 2016 bilang Presidente ng Pilipinas ay nagbibingi-bingihan na siya sa isyu ng iligal na sugal at pambabarako ng kanyang mga kaalyado.

Gaano pa kaya kung siya na ang ating Pangulo?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply