PROTEKSYON NG MGA MANGGAGAWA SA DELINGKWENTENG EMPLOYERS

hilda-online-logo

MULING pumirma sa isang kasunduan ang Social Security System (SSS) at Department of the Interior and Local Government (DILG) upang magkatuwang na pagtibayin ang seguridad at proteksyon ng mga manggagawa mula sa mga delinkwenteng employer.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emilio de Quiros Jr. magbabahagi ng impormasyon ang SSS sa mga lokal na pamahalaan na magiging basehan sa pagbibigay ng business permit.

Matatandaan na sa naunang kasunduan ng SSS at DILG noong 2001, kinakailangang magsumite ng Certificate of SSS Coverage and Compliance ang mga kompanya upang makakuha ng business o mayor’s permit.

Sa ilalim ng bagong kasunduan, magbibigay ang sangay ng SSS ng listahan ng mga delingkwenteng employer at business operators kada huling araw ng taon sa mga lokal na pamahalaan.

Hindi mabibigyan ng permit ang kompanyang may kakulangan sa SSS ngunit maaaring bigyan ng temporary permit na may bisang tumatagal hanggang tatlong buwan habang inaayos ang pagkakautang sa SSS.

“Ipinakikita sa memorandum of agreement ang layunin ng pamahalaang mapangalagaan ang kapakanan ng ating mga manggagawa sa pamamagitan ng pagsigurong nasusunod ng kanilang mga employer ang obligasyon nila sa ilalim ng batas. Sa pamamagitan ng agreement, mas mapadadali na rin ang proseso ng pagkuha at pag-renew ng mga kompanya ng kanilang business permit. Sa huli, mapabubuti nito ang kalagayan ng pagnenegosyo sa Pilipinas,” paliwanag ni de Quiros.

Makinig sa DWBL 1242 kHz tuwing 9:00 -10:00 ng umaga, ang programa “HEALTH & TRAVEL @ SERBISYO PUBLIKO” makapapanayam muli ng “ANG INYONG LINGKOD” si Madame Marissu “Susie” G. Bugante, Vice President ng Social Security System (SSS) Public Affairs & Special Event.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply