Protest caravan sa Enero 10, ikakasa ng PISTON Partylist at ng mga UV Express

uv-express

MAGSASAGAWA ng malawakang transport protest caravan sa darating na Huwebes, Enero 10, mula sa Quezon City Circle papuntang Mendiola ang mga miyembro ng PISTON Partylist at ng mga UV Express Drivers at Operators.

Layunin ng protesta na dalhin mismo kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino ang kanilang pangunahing kahilingan na itigil at ibasura ang pagpapatupad ng UV Express Year Model Phase-Out na sinimulang ipatupad ng LTFRB ngayong 2013.

Ayon kay George San Mateo, National President ng PISTON Partylist at Lead Convenor ng ALSA-UV, ang malawakang transport protest caravan ang magsislbing opening salvo ng mga kilos-protesta na isasagawa ng mga driver at operators ngayong 2013 upang hilingin kay Pangulong Aquino ang mga sumusunod: (1) Pagpapatigil at pagbabasura sa UV Express Year Model Phase-Out, (2) Imbestigahan ang Overpricing sa Langis at ang sunud-sunod na Oil Price Hikes at (3) Kilalanin at ipatupad ang desisyon ng Baguio RTC noong May 2, 2012 at ng Court of Appeals noong Nov. 16, 2012 na nagpapatigil at nagbabasura sa DOTC-LTO Dept Order 2008-39 (mataas at excessive na multa at parusa na ipinapataw ng LTO sa mga motorista lalo na sa public transport sa buong bansa).

Binigyang-diin pa ni San Mateo na mapipilitan ang mga UV Express drivers at operators na magsagawa ng mas malawakang pagkilos kahit pa umabot ito sa pagsasagawa ng welgang transportasyon kung hindi bibigyan-pansin ni Pangulong Aquino ang kanilang kahilingan lalo na ang pagpapatigil sa UV Express Year Model Phase-Out.

Sinabi pa ni San Mateo na handa ang jeepney sector na suportahan ang mga pagkilos na isasagawa ng mga UV Express Drivers at Operators lalo pa na may ikinakasa din ang DOTC at LTFRB na Year-Model Phase-Out sa hanay ng jeepney na mariin din na tinututulan ng PISTON

Igniit pa ni San Mateo na karamihan sa mga UV operators ay mga maliliit na operators o mga single-unit operators kaya hirap at walang kapasidad pang bumili ng bago dahil na din sa taas ng presyo ng langis, maintainance, spare parts at iba pa pati halaga ng mga bayarin at multa.

“Mariing kinokondena ng PISTON at ALSA-UV ang DOTC at LTFRB sa pagpapatupad ng Year Model Mandatory Phase-Out sa UV Express sa kabila ng unanimous na pagtutol ng lahat ng mga operators at lider ng iba’t ibang pederasyon at samahan ng UV Express na dumalo sa public hearing na pinatawag ng LTFRB noong Oktubre 24, 2012,” giit pa ni San Mateo.

“Walang isinagawang public hearing o public consultation ang LTFRB noong panahong binabalangkas nito ang 2007 at 2012 LTFRB Memo-Circular kaugnay sa 13 Years Model phase-Out sa UV Express. Ang totoo niyan ay Mekanikal lang na ipinatupad ng LTFRB sa hanay ng UV Express ang 13 Years Model Phase-Out na nauna nitong ipinatupad sa mga metered taxi,” pagdidiin pa ni San Mateo.

Binanggit din ni San Mateo na maliban pa sa kanilang malaking protest caravan sa Enero 10 ay magsasampa din ang PISTON at ALSA-UV ng petisyon sa Korte upang ipatigil at ipabasura ang UV Express Year Model Phase-Out

Tinawag pa ni San Mateo na alibi o palusot ang argumento ng LTFRB na ikinasa daw nito ang Year Model Phase-Out sa UV Express upang ang mga UV daw ay makatugon sa itinatakda ng Clean Air ACT.

“Bakit kelangang magpatupad ng sapilitan o mandatory year model phase-out sa ngalan ng Clean Air Act samantalang nandyan naman ang LTO Motor Vehicle Inspection na taon-taon nagsasagawa ng inspeksyon sa ating mga pampublikong sasakyan at taon taon ay nagsasagawa ng smoke-emission testing sa kada taong pagrerehistro ng pampubliko o maging ng pampribadong mga sasakyan,” buwelta pa ni San Mateo.

“Ang taunang inspeksyon ng LTO sa ating mga sasakyan ang siyang nagtatakda ng pamantayan kung road worthy pa o hindi ang ating mga pampublikong sasakyan at hindi ang pakanang Year-Model Phase Out sa hanay ng UV o maging sa Jeepney,” paliwanag pa ni San Mateo.

Binigyang-diin pa ni San Mateo na maraming kabuhayan ang mawawala at mapipinsala sa pagpapatupad ng UV Express Year Model Phase-Out at maging ang Franchise Bidding na pakana ng DOTC at LTFRB na mag-aalis sa mga maliliit na operators ng kanilang kabuhayan sa layuning ng DOTC at LTFRB na ibigay sa mga malalaking lokal at dayuhang negosyante ang pagmamay-ari at pagpapatakbo ng pampublikong transportasyon

“Ang totoo niyan, ang UV Year-Model Phase-Out at pakanang Franchise Bidding ay magsisilbi lamang sa interes ng mga dambuhalang negosyanteng at mga higanteng multinational car manufacturers, dealers at kanilang mga ahente sa loob at labas ng gobyerno. Alam naming matagal nang gigil-na-gigil ang mga multinational car companies at kanilang mga ahente sa loob at labas ng gobyerno na kumita ng supertubo at malalaking komisyon sa pamamagitan ng maramihang pagbebenta ng mga bagong UV”, paliwanag pa ni San Mateo.

Ayon pa kay San Mateo, sisikapin nilang higitan pa sa Enero 10 ang bilang ng mga lalahok na UV Express drivers at operators dala ang kanilang mga sasakyan. Sinabi ni San Mateo na target nilang lagpasan ang 100 UV Express Units at 200 drivers at operators na lumahok sa transport caravan protest na isinagawa ng PISTON at ALSA-UV noong Disyembre 6, 2012 sa tanggapan ng DOTC. Aniya sa Enero 10 ay kasamanf lalahok sa caravan ang jeepney sector sa.

Binanggit pa ni San Mateo na ang Caravan sa Enero 10 ay magsisimula sa ganap na 8:00 ng umaga sa QC City Circle (Tapat ng QC City Hall) bago tumulak papuntang Mendiola.

“Kaya nananawagan kami kay Pangulong Aquino na pakinggan at tulungan ang mga maliliit na operators at drivers ng UV Express sa pamamagitan ng pagkakansela sa UV Express Year Model Phase-Out na sinimulan nang ipatupad ngayong Enero 2013.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply