Protesta vs pagsasapribdo ng Phl Orthopedic Center at iba pang gov’t ospital, kasado na ngayong araw

MAGLULUNSAD ngayong araw ng iba’t ibang protesta sa kanilang mga komunidad ang mga maralitang lungsod sa ilalim ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay laban sa planong pagsasapribado ng Philippine Orthopedic Center (POC) at iba pang pampublikong ospital sa buong bansa.

Buong araw na mag-iikot ang grupong Kadamay sa mga malalaking komunidad sa Metro Manila, at sa ganap na alas-5 ng hapon ay sabay-sabay silang magkakasa ng mga community protests.

Tampok sa nasabing protesta ang ilulunsad sa kabahaan ng Agham Road at Payatas Road sa Quezon City.

Ayon sa Kadamay, isang pagmasaker sa mga maralitang pasyente ang planong pribatisasyon ng mga pampublikong ospital sa ilalim ng Universal Health Care at Public-Private Partnership (PPP) program ng administrasyong Aquino.

Dagdag pa ng grupo, hindi makakasabay ang mga maralita sa higanteng pagtaas ng serbisyong pangkalusugan nasa kamay na ng mga negosyante ang pagpapatakbo ng mga ospital. Hindi bababa sa 29 na public hospital at medical centers ang planong isapribado sa termino ni Pangulong Aquino.

Serye ng mga protesta

Kahapon ay sinimulan ng grupo ang kanilang protesta laban sa darating na Pre-Bid Conference ng priority PPPP project na Modernization of the Philippine Orthopedic Center (MPOC) sa darating na Enero 25 sa pamamagitan ng isang petition signing sa labas ng nasabing ospital.

Kasabay ng mga community protest ngayong araw ay maglulunsad din ng sariling pagkilos ang mga health workers ng POC sa labas ng mismong ospital.

Sa Huwebes naman ay mag-iikot ang Kadamay sa iba pang ospital sa Metro Manila na planong isapribado ng administrasyong Aquino kabilang na ang Amang Rodriguez Medical Center, Quirino Memorial Medical Center, National Mental Health Center at Rizal Medical Center.

Kasabay ng Pre-Bid Conference ng MPOC na ilulunasad ng PPP Center at ng Department of Health sa Enero 25, inaasahang dadagsa ang daan-daang maralita at mga health workers sa labas ng National Kidney and Transplant Intitute (NKTI) sa Quezon City kung saan ilulunsad ang nasabing conference.

Super-specialty tertiary orthopedic hospital

Sa gaganaping Pre-Bid Conference sa Biyernes, inaasahang dumalo ang mga negosyanteng nais mag-invest sa pribatisasyon ng POC sa halagang P5.43 bilyong piso. Magmumula naman sa gubyerno ang karagdagang 260 milyong para pagtatayo ng isang moderno ngunit pribadong super-specialty tertiary orthopedic hospital sa loob ng compound ng NKTI.

Ang negosyanteng mananalo sa bidding ang siyang mamamalakad sa bagong orthopedic center sa loob ng 25 taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply