Prusisyon ng Itim na Nazareno nagsimula na

NAG-UMPISA na ang prusisyon ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand patungong Quiapo Church.

Kaninang alas-7:00 ng umaga ay nagdaos muna ng misa na pinangunahan ni Manila Archbishop, Cardinal Luis Antonio Tagle.

Pagkatapos ng misa, ay sumampa na ang mga Hijos sa andas ng imahen ng Nazareno habang sa lubid naman kumapit ang iba.

Gaya ng inaasahan, siksikan at nahirapang maiusad ang andas dahil sa dami ng debotong nagpupumilit na makasampa sa karosa at makapagpunas ng panyo sa imahen.

Dakong alas-8:11 ng umaga dumating sa tapat ng Manila Hotel ang andas.

Sa tala ng mga awtoridad, mahigit sa 500,000 ang mga deboto sa Quirino Grandstand.

Naghihintay naman ang libo-libo pang deboto sa mga daraanan ng karosa.

Tinatayang mahigit 25,000 naman ang nag-aabang sa Quiapo Church.

Inaasahang tataas pa ang bilang mamayang hapon at gabi sa pagpasok ng Poon sa simbahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply