Publiko pinag-iingat sa kawatan at nananakit na kasambahay

PINAG-IINGAT ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang publiko sa isang gumagalang kasambahay na bukod sa kawatan ay may kakayahan pang manakit o pumatay ng amo.

Ito ay kasunod ng karansan na sinapit ng biktima na itinago sa pangalan Ester, 54-anyos, residente ng Quezon City matapos siyang pagnakawan at saktan pa ng isang nagngangalang Rubilyn Natividad na may isang linggo pa lamang naninilbihan sa kanya.

Kuwento ni Ester, noong una pa lamang na mga araw simula nang kunin niyang kasambahay ang suspect na ang edad ay nasa pagitan ng 23-25 anyos ay may duda na siyang hindi ito gagawa ng tama.

Lalo pa siyang naghinala nang malaman niya sa isa pa nilang kasambahay na tinatanong ni Rubilyn kung gaano kalayo ang nakukuhang anggulo ng kanilang CCTV at tinatanong din ng suspect kung anong araw dumadalaw ang kanyang mga anak sa kanyang bahay.

Pero nito lamang nakaraang Huwebes, nagkatotoo ang kanyang kutob dahil biglang may kumatok sa kanyang kuwarto pero nang buksan niya ay wala namang tao.

Nawalan din ng kuryente ang kanilang bahay samantalang ang kanilang kapitbahay ay mayroon kaya lumabas na siya at pumunta sa kusina pero nadulas siya sa nakakalat na mantika sa sahig.

Nakaakyat pa rin si Ester sa ikalawang palapag ng kanyang bahay at nakitang bukas lahat ang bintana.

Habang nag-iisip kung ano ang nangyayari, may nagtulak sa kanya sa hagdanan kaya sa kanyang pagdausdos sa bawat baytang ay nabali ang kanyang kanang kamay at nagtamo ng mga pasa sa katawan.

Habang namimilipit naman sa sakit at nakahandusay sa sahig , sinabi ni Ester na biglang may tumabi sa kanya at nang kanyang tignan ay si Rubilyn ang kanyang nakita.

Pinukpok pa siya nito ng bote ng alak sa ulo pero nakatakbo pa rin siya at nakahingi ng tulong sa mga kapitbahay. Gayunpaman, nakatakas ang suspect tangay ang kanyang i-phone at dalawang cellphones.

Sinabi naman ni SPO3 Norlan Margallo, malamang na miyembro ng sindikato ang suspect dahil bihasang-bihasa ito sa ganung gawain.

Sinampahan na ng kasong frustrated homicide at theft ang suspect.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply