Publiko pinag-iingat sa trangkaso

flu

PINAG-IINGAT ng Malakanyang ang publiko sa sakit na trangkaso na “in” ngayon sa bansang Amerika.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na dahil sa nararanasan ngayon ang malamig na panahon sa bansa ay masasabing flu season ngayon kaya kailangang mapigilan ang kahalintulad na nangyari sa US.

“Well, the Health department has already issued warnings, given also the unusually cold weather that we are experiencing. Alam po natin ‘pag umuulan sa atin, flu season; kapag medyo bumababa ho nang kaunti ‘yung temperature natin, there is a higher chance of contracting the flu which is why the Health department continually gives the reminders on how to avoid and how to strengthen our body’s immune system in light of the unusually cold weather that we are experiencing,” ani Usec. Valte.

Wala naman alam si Valte kung naging mahigpit ang pagpapasok ng mga turista na dadaan sa airport at seaport sa takot na madala sa pamamagitan ng mga daan na ito ang sakit na trangkaso.

“None that I know of. So far, parang wala pa naman po doon sa level na kailangang gawin po natin ‘yon,” aniya pa rin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply