Pulis, binoga sa Marikina City, patay

crime5

AGAD na namatay ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng isa sa apat na lalaki sa Claire St. Subdivision, Barangay Concepcion Uno, Marikina City kagabi (Enero 21).

Kinilala ang napatay na pulis na si PO3 Conrado Las Piñas Jr.  na nakatalaga sa Pasig City Anti-Illegal Drug Unit.

Sa inisyal na imbestigasyon, tinulungan lamang ng biktima ang kanyang kaibigan na nakilala lamang sa pangalang “Allan” na kausapin ang mga nakaalitang muslim.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap, agad pinagbabaril si Las Piñas ng isa sa mga suspek na isang alyas “Jeff” at agad tumakas kasama ang tatlo pang suspek sakay ng kulay asul na Honda na may plakang GGC-203.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kaugnayan sa droga ang pagkakapaslang sa naturang pulis.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply