Pulis na hinimatay sa duty, natuluyan

crime6

INAALAM na ng mga pulis ang dahilan ng kamatayan ng isang kabaro na hinimatay habang naka-duty sa Caloocan City kagabi, Enero 5.

Dead on arrival sa Bernardino General Hospital si PO3 Magelan Orna, 38, nakatalaga sa Police Community Precinct sa Barangay 178. Kiko, Camarin ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi, naka-duty sa nasabing PCP ang pulis nang biglang himatayin at nawalan ng malay.

Dinala sa BGH ang biktima subalit hindi na umabot nang buhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply