Pulis Valenzuela nanutok ng baril, arestado

tiklo

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code ang isang pulis Valenzuela matapos itong lumabag sa ipinatutupad na Comelec gun ban sa Tondo, Maynila.

Si SPO2 Rechen Apolinario Mirando,43, nakatalaga sa Valenzuela Police Station ay dinala sa Manila Police District –General Assignment Section upang pormal na sampahan ng kaukulang kaso.

Nabatid na nagpakarga umano ng gasoline sa kanyang motorsiklo si Mirando sa may Rizal Avenue sa Tondo ngunit diesel ang naikarga ng gasoline boy.

Sa galit ng pulis ay kinuwelyuhan nito ang gasoline boy at tinutukan pa ng kalibre .45 baril.

Tiyempo namang may napadaang patol car nang maaktuhan ang ginawa ni Mirando sa biktima kaya agad itong binitbit at dinala sa headquarters

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply