Pumalag sa holdap, negosyante utas, 2 pa sugatan

crime11

TODAS ang isang negosyante habang dalawa pa ang nasugatan makaraang holdapin ng apat sa Barangay Capinang, San Dionisio, Iloilo.

Nakilala ang nasawi na si Roel Badianggo y Abello, 56, negosyante ng Brgy. Poblacion Ilaya, Concepcion, Iloilo.

Nabatid na sinundan ng mga suspek na sakay sa dalawang motorsiklo ang mga biktima at hinarang ang mga ito at hinoldap.

Ngunit nanlaban ang mga biktima kung kaya binaril sila na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng dalawa.

Kasalukuyang nakaratay pa sa Western Visayas Medical Center ang dalawang sugatan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply