Pumalag sa rape ng textmate, dalaga nilaslasan ng leeg

crime11

MATAPOS laslasin ang leeg ay itinulak pa sa tulay ang isang dalaga nang pumalag sa panghahalay ng naka-eyeball na textmate sa Aklan nitong Huwebes ng gabi (Enero 3).

Inoobserbahan pa sa Aklan Provincial Hospital sanhi ng saksak sa leeg at sa ibat’ ibang parte ng katawan ang biktima na nakilala lamang sa alyas Mae, 18-anyos at residente ng Barangay Lawaan, New Washington, Aklan.

Hinahanting naman ng pulisya para panagutin sa krimen ang suspek na nakilala lamang sa Chris, ng Barangay Mobo, Kalibo, Aklan.

Sa ulat, naganap ang insidente alas 8:30 nitong Huwebes ng gabi sa Mobo bridge sa Kalibo, Aklan.

Bago ito, nagkita ang mag-textmate upang lubusang magkakilala dahil sa text messages lamang sila nagkakausap.

Pero habang naglalakad ang dalawa sa nasabing tulay, tinangkang gahasain ng suspek ang biktima pero nanlaban ito dahilan para inilabas ng salarin ang lanseta at winasiwas sa leeg ng dalaga.

Hindi pa nakontento, itinulak pa nito ang biktima sa tulay.

Sa kabutihang palad, may nakakita sa biktima sa ilalim ng tulay at isinugod agad ito sa ospital.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply