PUTULIN NA ANG TIES WITH CHINA

raul_valino

“We are not threatening anybody, but if we don’t stand up for our rights, who do we expect will be standing up for our rights?”

Yan ang matapang na mga kataga ni President PNoy Aquino sa Switzerland, mga katagang sana ay noon pa niya sinabi noong hindi pa nasasakop ng Tsina ang Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.

Ngayon ay off limits na ang Scarborough at iba pang mga isla sa Spratlys sa mga Pinoy.

Pag-aari na kasi ng Tsina ang karagatang iyan.

Bakit hindi noon sinabi ni PNoy na “If we don’t stand up for our rights, who do we expect will be standing up for our rights?”

Ano kaya ang ibig sabihin ni PNoy nang banggitin niya ang mga katagang iyan?

Lalaban na ba tayo sa Tsina? Hindi po. Hindi pa rin po.

Ang ating pamahalaan ay dumulog sa United Nations upang pigilin nito ang Tsina sa pananakop nito ng West Philippine Sea.

Tinatayang aabot ng dalawang taon bago madesisyunan ng UN ang sigalot.

Dalawang taong mumuni-munihin ng UN kung sino talaga ang may-ari ng West Philippine Sea na tinatawag ng Tsina na South China Sea.

Samantala, mananatiling off limits sa mga PNoy ang Scarborough at mga karatig isla.

Malayang makapangingisda ang mga Tsino sa ating karagatan to the exclusion of the Pinoys.

Kung sakaling may ma-discover na langis sa karagatang ito, Tsina ang makikinabang at hindi ang Pinas.

Kailangan na nating ipadama sa Tsina ang galit ng mga Pinoy.

At si PNoy mismo ang manguna sa pagtutol sa pananakop sa atin ng Tsina.

Itigil na natin ang lahat ng uri ng relasyon mayroon tayo sa China, political o economic ties man ito.

Pauwiin na ang ating ambassador at itigil na natin ang importasyon ng mga produktong gawa sa China.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply