PYRAMIDING SA ESTUDYANTE, PABAYANG LTO AT SABIT BOYS

benny antiporda

BIGYAN naman natin ng pagkakataon ang ating mga mambabasa na maihayag nila ang kanilang mga hinaing, paniniwala, reklamo at iba pa.

Heto po sila.

CATICLAN MARKET MABAHO

Good morning po, Ka Benny. Nananawagan po ako sa kinauukulan lalo na kay mayor ng Malay, Aklan na bigyan naman ng pansin ang Caticlan Public Market. Kase po maputik at mabaho kapag umuulan. Kawawa naman po ang mga mamimili at nakahihiya sa mga foreigner na pumupunta rito sa Boracay. Maraming salamat po. Nagmamalasakit po. Mr. Quimpo. 0930725….

REKLAMO NG GUWARDIYA

Sir, magandang hapon po, sir. Pakibalasa nga po ‘yung agency rito sa Parañaque, ang Praise Security Investigation Agency. Kasi po ‘yung ibang guard mga bago lang. ‘Yung iba underage pa po at ‘yung iba pinagdadampot lang sa tabi-tabi at ‘yung iba galing sa iskwater at pinadyu-duty ng walang license at pinagdadala pa po ng baril. At ‘yung pasahod po nila ay P5,000 to P6,000 po. Walang 13th month pay, walang bonus. 12 oras pa po ‘yung duty at walang Philhealth at walang SSS. Sir, kawawa naman po kaming mga guard kapag ganito ang sahod. Ang may-ari po ng agency ay si Willy Sta. Romana. Aasahan po naming mga guard ang aksyon po ninyo. Salamat po! 0907752….

OVERPASS PINABABAYAAN

Pakiparating naman sa kinauukulan na walang ilaw sa Don Antonio Overpass dito sa Q.C. Napakadilim at maraming nahoholdap dito. Dati may ilaw ang naturang overpass, n‘ung mapundi, ‘di na inasikaso ng kinauukulan. 0917564….

MALAKING KATANUNGAN

Good am po! Matanong ko lang po. Totoo ba ang Sweepstakes? Kasi sa mga Lotto outlet, tinatanong namin kung may resulta sila ng Sweepstakes. Ang sabi, wala raw. Paano namin malalaman ang resulta? Maraming salamat. More power. 0922309….

SABIT BOYS SA RIZAL

Panawagan sa PNP Taytay at Antipolo. May mga sumasabit na kunwari ay pasahero ng jeep, partikular sa mga gabi na umuuwi galing sa trabaho ang mga tao. Inaabangan ng mga sabit boy ang mga ito at may target na pala rito na hablutan at agawan ng gamit. Pagkatapos nito, magpapatihulog ang mga ito kahit mabilis ang takbo ng sasakyan. Magugulat na lang ang pobre at kawawang pasahero. Madalas mangyari ito sa Tikling na patungong Antipolo. 0905732….

TULFO VS SANTIAGO

Ka Benny. Sa kaso ng Tulfo at mag-asawang Santiago, dapat ang number one na sisihin ay ang mga garapal na empleyado ng NAIA dahil kung walang nawawalang gamit hindi na sana nagkagulo. Saka wala akong kinakampihan. Tama ba na pagbantaan ng Tulfo Brothers ang mag-asawang Santiago? Sa tingin ko mali. Imbes na ayusin ang gusot sa kapatid nila, lalo pa nilang pinalala. 0930900….

REKLAMO NG SEKYU

Sir, dito po sa Dagupan, Pangasinan, ang duty namin, dose oras. Dalawang daan lang isang araw namin. Pero ang kontrata nila sa City Hall ay P9,000 ang isang guard. 7888 Security Agency ang agency namin. Pakikalabit mo naman sila, Sir. 0928841….

REKLAMO NG TAGA-LEONEL

Ang sahod namin at lahat po ng may holiday sa kalendaryo, eh, wala pong bayad at wala rin po kaming pahinga sa loob ng isang linggo. Kami po ay wala ring natatanggap na bonus. May nabalitaan nga po kami na may ibinigay raw po sa amin na bonus si President Noynoy ngunit wala po sa aming nakarating at nahawakan. Matulungan ninyo po sana kaming mga casual na sweeper ng Leonel. Maraming salamat po. 0910470….

PAIHI SA TARLAC

Good pm, Sir. Dito po sa Tarlac, patuloy pa rin ang pagbebenta ng diesel at gasolina ‘yung tinatawag na paìhi. ‘Di ba iligal ‘yun? ‘Yung mga ligal ang naaapektuhan. Siguro po may lagay sa local authority kasi minsan may raid pero wala silang nakuha, nakapagsara agad sila rito po sa mismong terminal. Madalas po ang delivery rito at halos araw-araw tuwing umaga. Larry ang pangalan ng may-ari. 0922719….

FOOTBRIDGE SA ORTIGAS

Good am po, Sir Benny. ‘Yun pong Ortigas Footbridge, sa rami po ng vendor at namamalimos halos wala na pong maraanan ang mga tao. Tapos ang baho pa po at ang dami ng basurang nakakalat. 0929354….

PYRAMIDING SA ESTUDYANTE

Sir, gusto ko lang ipaalam sa inyo na lulusubin ko ang networking sa Panay Avenue na www.organo.com. Niloloko ang anak ko. Ang pambayad niya sa iskul ibinigay niya sa kanila. Muntik na kaming magkamatayan ng anak ko dahil diyan. Sir Benny, pakikalampag nga itong www.organo.com networking/pyramiding sa mga estudyante. Pambayad sa school na P2,000 ibinigay para investment daw. 0948591….

REKLAMO VS LTO

Gud pm po, Sir Benny. Pakikalampag naman po ‘yung tubusan ng License rito sa Caloocan. Grabe po ‘yung mga empleyado nila, inuuna po ‘yung panonood ng telebisyon kaysa asikasuhin ang mga tumutubos. 0922466….

‘DI PINASASAHOD

Gud am po, Kuya Benny. Dati po akong nagtrabaho sa city hall ng Angeles City bilang field interviewer ng RSBA. 3 months na po hanggang ngayon na hindi ako pinasasahod. Nagdaan ang Pasko at Bagong Taon wala akong pera. Wala po ba akong karapatan sa perang iyon? 0909959….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply