QC cops na nag-agawan sa mga nasabat na paputok kinilala na

KILALA na ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang ilan sa Quezon City police na nag-agawan sa mga nakumpiskang paputok sa Camp Karingal.

Ayon kay Senior Supt. Florendo Quibuyen, hepe ng Regional Investigation Management Division–NCRPO, hinihintay pa nilang makumpleto ang listahan ng mga pulis bago tuluyang sampahan ng kaso ang mga ito.

Ani Quibuyeb, maging ang ilang opisyal ng Quezon City Police District ay posible ring makasuhan dahil sa kanilang pagkukulang kaugnay ng pangyayari.

Sinabi pa ni Quibuyen na kahit na narekober pa ang mga paputok na pinag-agawan ng mga pulis ay hindi pa rin ligtas ang mga ito na panagutan ang kanilang naging aksyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply