QC cops na nag-agawan sa nakumpiskang paputok, didisiplinahin

DIDISIPLINAHIN ni bagong Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima ang mga Pulis-Quezon City na mapapatunayang nakipag-agawan sa mga nakumpiskang paputok sa Kampo Karingal noong nakaraang Sabado.

Sinabi ni Purisima na napanood na niya ang video na nagpapakita sa mga pulis na nag-aagawan sa mga paputok na nakumpiska at sa dulo’y sinita ng ilang opisyal.

Pagtitiyak ni Purisima, didisiplinahin niya ang mga nagkamaling pulis at wala siyang sasantuhin kahit matataas na opisyal ng kapulisan.

“‘Yung utos po natin na pinakadidiinan natin sa ating kapulisan ay tungkol po sa disiplina.”

“Pinakukuha ko na po ‘yung mga pangalan ng mga pulis na na-involve dito para mabigyan agad ng karampatang parusa sa kanilang mga aksyon na hindi naging maganda sa pananaw ng ating mga kababayan.”

“Itong mga pulis na ito sisiguraduhin ko po sa inyo, pinakamamaba po siguro ‘yung suspension dito sa nakita ko po sa video.”

Pinaputok pa ng mga Pulis-QC ang ilan sa mga nakumpiskang paputok para maipakita kung gaano kalakas ang impact ng mga ito.

Samantala, hinimok naman ni Purisima ang publiko na ipagbigay-alam sa kapulisan ang address ng mga kapitbahay o kakilala na madalas magpaputok ng ipinagbabawal na firecrackers tuwing Bagong Taon upang mabantayan na.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply