QCPD may bago nang district director

qcpd

MAY bago nang district director ang Quezon City Police District (QCPD) simula  bukas  ng umaga.

Ito ang nabatid matapos kumpirmahin ang nakatakdang turn-over ceremony bukas ng umaga ng Quezon City Police  District sa Kampo Karingal.

Bagamat sa susunod na buwan pa nakatakdang magretiro si QCPD District Director Gen. Mario Dela Vega, ipinatupad na ng Philippine National Police ang pagpapalit ng pamunuan ng QCPD bilang bahagi pa rin ng preparasyon ng PNP  sa nalalapit na 2013 mid-term election.

Si Gen. dela Vega na mula sa PMA Dimalupig Class of 1981 ay papalitan ngayong araw ni Police Senior Supt. Richard Albano na mula naman sa PMA Class 1984.

Huling hinawakang posisyon ni Albano ang pagiging Acting Executive Officer ng Directorate for Logistics ng PNP sa Kampo Crame.

Si Dela Vega ay naupo bilang district  director ng QCPD noong Pebrero 15, 2011.

Isasagawa ang turn-over ceremony sa Kampo Karingal  na nakatakdang daluhan ni NCRPO Dir. Leonardo Espina, maging nina QC Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply