Quezon rubout ng 13 napatay, tila isang hold-up

atimonan1

LUCENA CITY – Ang grupo ng mga sibilyan na kasama sa labintatlong biktima ng pamamaril sa Atimonan, Quezon ay may dalang milyon-milyong piso habang papauwi na sa Laguna ng tambangan ang mga pulis at sundalo noong Linggo ng hapon.

Ayon sa isang heneral ng pulis na hindi na nagpabanggit ng pangalan ay nagsabing ayon sa impormasyon na kanyang nakalap, ang milyon-milyong piso ay bahagi ng kinita sa gold mining firm sa Camarines Norte na pag-aari ni Victorino Siman Atienza, na kilalang jueteng at bookie operator sa Calamba City, Laguna. Sinabi pa niya na ang malaking bahagi nito ay maaaring galing sa jueteng.

Ayon pa sa heneral na ang isa sa mga biktima, Supt. Alfredo Consemino, na miyembro ng PNPA Class ’86 at kasalukuyang nakatalaga bilang hepe ng Headquarters Support Group sa MIMAROPA Police Regional Office ay kasama si Atienza dahil sila ay may bagong transaksyon ng negosyo sa Camarines Sur.

“Maliban sa jueteng at bookie operation, si Atienza ay mayroong mining business sa Cam Sur samantalang si Consemino, maliban sa pagiging police colonel, ay nagmamay-ari rin ng security agency sa Batangas kaya’t sila ay naging business partners. Ang tawag dito ay moon lighting sa parte ni Supt. Consemino na isang common practice ngayon ng mga service men basta legal ang negosyo”, ayon pa rin sa heneral sa isang phone interview.

Ayon pa sa kanya si Atienza ay hindi nababahala na bumiyahe kahit pa may dala itong malaking halaga ng pera dahil siya at mga kasamahan ay armado at backed-up pa si Consemino at ng kanyang kasamang pulis at sundalo ng Air Force.

“Ngunit ang malungkot na parte ng estorya ay ng tambangan ng mga pulis at sundalo na nagbabantay sa isang checkpoint sa bayan ng Atimonan. At ang malungkot pa rito ay ng hindi idiniklara ang milyon-milyong piso na di-umanoy nakuha sa mga biktima kasama ng mga armas matapos ang pamamaril”, ayon pa rin sa heneral.

Sinabi pa niya na ang insidente ay nangyari pa noong Linggo subalit walang nababanggit ang awtoridad tungkol sa milyong-milyong piso nakuha mula sa mga biktima.

“Kung totoo ang alegasyong ito, lumalabas na hindi lang ito isang insidente ng rubout kundi isa rin hold-up”, ayon pa sa kanya.

Ayon sa opisyal ay lumalabas na ang pangyayari ay isang “two birds in one stone” upang iligpit ang mga biktima at pagnakawan ng milyon-milyong piso.

Ipinaliwanag pa niya na ito ay isang planadong operasyon na pinangunahan ni Supt. Hansel Marantan, ang opisyal ng pulis na bahagyang nasugatan sa paa ng mangyari ang insidente.

Kilalang police officer dahil sa pagkakasangkot sa ilang insidente ng rubout, si Marantan ay ang deputy chief ng Regional Intelligence Division (RID) ng Calabarzon Regional Police Office.

Sinabi pa ng heneral na sa ibat-ibang sources mula sa Intelligence community ang nagsasabi tungkol sa umanoy pagkakadawit ng kapatid na babae ni Marantan sa bookie operation sa Laguna na kakumpitensya ni Vic Siman Atienza sa operation nito.

“Ang operation na isinagawa ni Marantan sa tulong ng iba pang units ng PNP at ng Army laban sa 13 napatay na biktima ay maaaring kanyang personal na plano. Na hindi nakapagtataka, kung bakit ang kanyang immediate superior, Senior Supt. Manuel Abu na siyang hepe ng RID ay nagsabing hindi niya alam ang operation ni Marantan sa Atimonan”, sabi pa ng heneral.

Sabi pa niya na naniniwala siya na ang fact finding team na binuo ng PNP sa kautusan ng kanilang boss, Deputy Director General Allan Purisima ay magbibigay linaw sa insidente at matatamo ang katotohanan.

Samantala, isang police colonel ang nagbunyag na ang mga pulis na nakipagputukan sa checkpoint noong Linggo ay nakasoot ng civilian clothes.

Ang opisyal na ito na ayaw din magpabanggit ng pangalan ay sinabi na si Chief Insp. Grant Gollod, ang bagong talagang OIC Atimonan police chief at ang mga sunbalo ng Army ang siyang nakasoot ng tamang uniform ng mangyari ang insidente.

Aniya sina Marantan at Provincial Intelligence chief, Supt. Ramon Balauag at ang kanilang mga kasamang pulis ay nakasoot ng civilian habang hawak ang mga armas.

“Iyon siguro ang dahilan kung bakit ang 13 biktima ay hindi nag-cooperate sa checkpoint na siyang sinasabi ng grupo ni Marantan. Ang mga biktima ay maaaring nagduda na ang mga armadong kalalakihan sa checkpoint ay communist rebels. Kung ako man ang nasa katayuan ng mga biktima, ay maaaring ganun din ang maramdaman ko”, sabi pa ng opisyal, na may footage na maaaring sumuporta sa kanyang alegasyon.

Ayon pa sa opisyal na ang ilan sa pulis ni Gollod sa police station ay nagrereklamo ng ang kanilang pangakan ay napasama sa listahan ng mga nakilahok sa operation. Sinabi niya na tanging ang dalawang batang pulis na pinakamalapit sa kanya ang inatasan ni Gollod na sumama sa operation.

“Bakit daw nakasama ang pangalan nila eh hindi naman sila kasama sa operation?. Ang isinama lang daw ng kanilang hepe sa operation ay iyong dalawang pulis na bata niyang sarado, na dala niya nang siya na-assigned na hepe sa Atimonan”, sinabi pa niya.

Si Gollod, na member ng PNPA Class 2001 ay kilalang malapit na tagasunod ni Marantan at naging deputy commander noong siya ay hepe ng Quezon Provincial Public Safety Company.

Sa kabilang dako, si Quezon police director, Senior Supt. Valeriano de Leon ay napaulat na may relieved order na mula kay Purisima habang hinihintay ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Wala pa mang opisyal na pronouncement mula sa PNP higher headquarters, kumalat ang mga rumors na ang turn over ng command ay gaganapin ngayon.

Ang papalit kay De Le Leon bilang Officer In Charge, ayon sa police sources ay si Senior Supt. Dionardo Carlos, member ng PMA Class ’88 na kasalukuyang nakatalaga bilang Public Information Officer ng National Capital Region Police Office.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply