R-4A GAMBLING RING GIBAIN

_bong padua

KUNG nais ni Pangulong Aquino na mahinto ang patayan sa Calabarzon area, dapat ay ipagiba niya ang sindikato ng illegal gambling sa lugar na iyan. Dahil sa totoo lang, ang lumalalang krimen sa sakop ng Region 4A, ang huli ay ang shootout kuno sa Atimonan ay dahilan sa STL-bookies.

Mga pulis at politiko ang mga operator na batid ni nasibak na R-4A director Gen. James Melad kung siya’y magsasalita at magpapakatotoo lamang.

Ito ang tip ng ating asset diyan sa R-4A. Iyang si Pandoy na pinatay ng mga pulis dahil lumaban daw ay maraming nalalaman sa gambling.

Ilan sa inginuso sa Chokepoint na bookies operators ay sina Kap. Nelson,  Fress, Alex, Jojo at Mario ng San Jose,  Kap. Noel, Kap. Ineo at  Kap. Indo ng San Pascual, Aling Nene at Minda, ng Sto. Tomas at Lito ng Ibaan. Sa Tanauan City ay sina Kancio, Daman, Dexter, Angel, Obet, Jun Ocampo, Kanor at Teryo at ang bayan ng Malvar ay napunta sa magkapatid na Fajardo. Sa Lipa City at Balete ay ‘di matinag ang bookies nina Carling at J. Ilagan;  sa Mabini ay si Oslo. Ang mga iyan ay ilan lamang sa sindikato ng sugal sa R-4A.

Kapag nagiba ang sindikato ng illegal gambling, siguradong tatahimik ang Calabarzon area, iyan ang tip natin kina PNoy at  Sec. Mar Roxas.

WOW ANG DADIANGAS PORT

Kudos sa pamunuan ng Dadiangas sub-Port dahil bukod sa naabot ang ibinigay na collection target, lumagpas pa ang nakolektang buwis.

Sa nakaraang taon ng 2012, ang BOC sub-port ng Dadiangas sa Gen. Santos City ay kumolekta ng P512 million, lumagpas sa assigned target na P496.3 million. Kaya ang masasabi natin kina Gen. Santos City sub-port collector Pendatun Alim at collector Martiano Bangcoy ng BOC-Gen. Santos City, okey kayo, mga sir.

Ang sumobrang collection sa buwis sa port na ito ay patunay lamang na nagkaroon na ng reporma ang BOC sa ilalim ni Comm. Ruffy Biazon. Isang dahilan kaya sumigla ang mga industriya, lalo na ng tuna at Pinya sa GenSan ay dahil sa pagbabalik ng tiwala ng mga investor sa kasa-lukuyang liderato ng BOC.

Siyempre, dahil ‘yan sa mga ginagawang inisyatiba ni Comm. Biazon na pinarangalan kamakailan ng sektor ng mga negosyante sa pangunguna ni Century Tuna at GenTuna Plant Controller Emmanuel Mernilo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply