Raffle sa balota ng partylist groups, ‘di pa pinal

comelec

NILINAW ng Commission on Elections (Comelec) na hindi pa pinal ang resulta ng raffle sa balota ng mga kalahok na partylist groups para sa 2013 midterm elections.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na may mga bagong partylist group ang nag-apply na hindi nakakuha ng mandatory injuction sa Korte Suprema subalit nakasama naman ito sa raffle.

Ayon kay Brillantes, nakasaad sa resolution 9561 ng komisyon na ang mga partylist group na pinayagan ng poll body noong 2010 elections at nakakuha ng status quo ante order sa Korte Suprema, ay maaring makalahok sa raffle.

Sa naganap na raffle kahapon, nanguna naman ang 1-CARE partylist habang panghuli naman o pang-136 ang Abang Lingkod partylist.

Nasa ikalawang puwesto naman ang ABS partylist group, sinundan ng Pasang Masda, OFW Family at nasa ika-limang puwesto ang Magdalo party.

Ang Alyansa ng OFW, Abono, Bayani, A-Teacher, Pilipino With Disabilities, 1-Lambat, Aama, Bagong Henerasyon, Sanlakas, Akma-PTM, AAB, Kabataan at Ako Bicol  ay nasa pang-anim naman na puwesto.

Nakatakda namang magpulong ang Commission en banc para sa susunod nilang hakbang sa naturang usapin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply