Rape suspect bumulagta, nang mang-agaw ng baril

crime6

TODAS ang isang rape suspect nang barilin ng isa sa dalawang pulis matapos mang-agaw ng baril ang una sa C-4  bridge,  Longo, Malabon City, kaninang hatinggabi.

Dead on arrival sa Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM) si Michael Guevarra, alyas Zenki, 35, ng 27 AP Copncepcion St., Brgy. Tugatog ng lungsod sanhi ng dalawang tama ng bala ng .9mm barreta pistol sa dibdib at ulo.

Kusa namang sumuko kay Senior Superintendent Ferdinand Ampil, hepe ng Malabon police sina SP01 Jerome Peralta at P03 Michael Angelo Solomon ng Police Community Precint-4 (PCP4) matapos ang insidente.

Base sa pinagsanib na imbestigasyon nina SP01 Edsel Dela Paz at Joel Dela Torre, ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon pulis, dakong alas-12;50 ng hatinggabi nang naganap ang insidente sa ibabaw ng nasabing tulay.

Nauna nagreklamo sa pulisya si Marimar (hindi tunay na pangalan), 16-anyos at taga-Concepcion St. Tugatog na ginahasa umano siya ng suspek sa madilim na bahagi ng kanilang lugar.

Sa isinagawang follow up operation ng nasabing pulis naaresto ang suspek at nang pormal na kilalanin ng bikitma ay agad isinakay sa barangay patrol car kasama ang ilang barangay tanod para sa medical check up.
.
Pagsapit sa nasbing tulay inagawan ng baril si P03 Solomon ng suspek hangang sa magpangbuno ang dalawa.

Habang nag-aagawan sa baril ang dalawa ay dalawang beses pumutok ang baril at tumama sa bubungan ng brgy. patrol car.

Dito na malapitan pinaputukan ni SP01Peralta ang suspek sa dibdib at sa ulo na nagresulta sa kamatayan nito.

Nabatid na bukod sa kasong rape, ay marami pang kinasasangkutang kaso ang suspek sa nasabing lugar.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente habang ang dalawang pulis ay nasa kostudiya ng kanilang superior.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply