Rapist na nakatulog matapos mang-rape arestado

crime7

DAKIP ang isang rapist matapos makatulog makaraang pagsamantalahan ang isang dalaga sa Davao City sa ulat ng pulisya.

Nabatid na tinangka pang tanggalan ng dibdib ng suspek na si Jeffrey Dansil ang biktimang itinago sa pangalang Inday, para gawing palamuti sa kanyang kuwarto.

Sa pahayag ng nakaligtas na biktima, ganap na 3:30 ng madaling-araw nang sundan siya ng lasing na suspek saka ginahasa sa isang damuhan sa nasabing lalawigan.

Sa sobrang pambubugbog, pananakal at tangkang pagtapyas sa dibdib ng biktima ay hinimatay ito habang nakatulog naman ang biktima.

Nang unang magising si Inday ay agad siyang humingi ng tulong sa pulisya kaya nadakip ang suspek na naghihilik pa nang datnan ng awtoridad sa lugar kung saan ginahasa ang dalaga.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply