Raptors sinilo ng Nets

rockets

PATULOY ang pananalasa ng New Jersey Nets subalit problemado pa rin si coach P.J. Carlesimo dahil sa dami ng kanyang bataan na gumagawa ay nahihirapan siya na balansehin ang kanilang playing time.

Tatlo sa mga bataan ni Carlesimo ang tumikada ng mahigit 20 puntos at dalawang galing sa bench ang bumira ng mahigit 10 pts. upang gilitan ang Toronto Raptors, 113-106 kanina.

”I’m really struggling,” patungkol ni Carlesimo sa paghahati ng playing time sa kanyang mga bataan.

Umariba ng 22 puntos at siyam na rebounds si center Brook Lopez habang tig-21 puntos sina All-Star member Deron Williams at Joe Johnson upang ilista ng Nets ang 23-15 win-loss slate at manatiling nasa pang-apat na puwesto sa Eastern Conference sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.

”We’re just kind of feeding off each other, man. We’re in a nice rhythm right now and hopefully we can keep it this way,” wika ni Johnson. ”It’s a lot of fun to watch and I’m sure guys are having a great time in this locker room.”

May inambag naman sina bench players Andray Blatche at Mirza Teletovic ng 14 at 10 points para malasap ng New Jersey ang season-high seven-game winning streak.

”Our confidence is high right now, definitely as a group,” saad ni Williams, ”and when you’re winning, when you’re having fun, I think everybody picks their game up a little bit and feels like they have to if they want to join in, if they don’t want to be left out.”

Tabla ang score sa 27 sa first canto at pagkatapos ay umabante ng 10 puntos ang Raptors matapos magmintis ang unang pitong tira ng Nets sa second quarter.

Bumira ang Nets ng pitong sunod na puntos upang idikit sa 40-37 ang score.

Abante pa ng tatlo ang Raptors bago bumira ng magkasunod na tres si Teletovic at free throw para sa 7-0 run ulit upang maagaw ng Nets ang lamang, 48-52 may 24 segundo na lang sa second period.

”We just uncharacteristically lost it, turned the ball over and every time we did they scored on it,” ani Raptors coach Dwane Casey. ”I thought it was the difference in the game.”

Samantala, nagwagi ang Los Angeles Clippers sa Houston Rockets, 117-109 habang kinaldag ng Indiana Pacers at Charlotte Bobcats, 103-76.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply