Rasuman pyramiding scam suspects ipinaaresto na

jachob-coco-rasuman

IPINAARESTO na ni Misamis Oriental Regional Trial Court  Branch 23 Presiding Judge Vincent Rosales,  ang ilang suspek na sangkot sa pyramiding scam ni Jachob Coco Rasuman.

Ito ay batay na rin sa 2 magkahiwalay na warrant of arrest  kaugnay sa dalawang kaso ng syndicated estafa laban sa suspek na sina Basher Rasuman Sr., Ema Rasuman, Basher Rasuman, Princess Aliah Tomawis-Rasuman, Vice Mayor Maning Rasuman, Jerome Rasuman at Basher Rasuman Jr.

Walang inirekomendang pyansa ang korte laban sa mga akusado.

Si Coco  Rasuman  ay nasa kustodiya  pa rin ng NBI headquarters sa Maynila, sinasabing lider ng Coco Rasuman Investment Group.

Naaresto ito noong Nobyembre 2012 sa bisa ng warrant of arrest  na ipinalabas ng korte sa Cagayan de Oro dahil sa naunang syndicated estafa na inihain laban sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply