Rayver, Cristine hiwalay na

rayver-and-cristine

MAKAILANG ulit nang pinabulaanan nina Rayver Cruz at Cristine Reyes na nag-break na sila, ngunit kahapon, sa programang The Buzz, ay ipinakita ang taped-interview ng dalawa kung saan kinumprimang hiwalay na sila.

Sinabi sa panayam ni Rayver na noong nakalipas na taon pa sila naghiwalay ng aktres.

Naghiwalay man silang dalawa, kapwa sinabi nila na magkaibigan sila at maaasahan pa rin sa oras na kailanganin ang bawat isa.

Nang tanungin kung bakit ngayon lang inihayag ng dalawa ang hiwalayan nila, sinabi ni Rayver na ayaw na sana nilang palakihin pa ang isyu ngunit marami na aniya ang nakakahalata.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply