Refund sa bill deposit ng Meralco ibibigay ngayong Enero

meralco1

BILANG pasalubong sa Bagong Taon, magbibigay ng panibagong refund ang Meralco sa buwang ito.

Ayon kay Dina Lomotan, pinuno ng External Affairs ng Meralco maaari na ring i-refund ngayong buwan ang interest ng refund ng aktuwal na bill deposit na naibigay na noong nakaraang 2012.

Sinabi ni Lomotan na padadalhan nila ng sulat ang customers para makapag-refund ng interest ng kanilang bill deposit.

Bukod sa pagbabalik ng mga sobrang singil, sinabi ni Lomotan na paraan na rin ito ng Meralco para mahimok ang kanilang customers na magbayad sa tamang due date.

Nilinaw naman ni Lomotan na sakaling bigong makapagbayad o huli sa pagbabayad ang isang customer sa takdang due date nito ay muli siyang sisingilin ng Meralco ng bill deposit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply