Registered nurse na walang trabaho, hinimok na pumasok sa call center

pinoy-nurses

PINAYUHAN ng Department of Labor and Employment ang mga rehistradong nars na walang trabaho na magsipasok muna sa business process outsourcing o BPOs, mas kilala bilang call center.

Ayon kay Labor and Employment Undersecretary Danilo Cruz maraming alternatibong trabaho sa BPO na makikita ang mga nurse na maiuugnay pa rin sa kanilang tinapos na kurso.

Ang pagiging medical butlers, care management analysts, customer service associates para sa mga medical account, medical transcriptionists, clinical abstractors, medical billers, at medical coders ay ilan lamang sa mga trabaho na maaring pasukin.

Sa pag-aaral ng DOLE, mula P14,000 hanggang P18,000 ang suweldo sa mga healthcare outsourcing jobs.

Maaari rin naman, aniyang, mag-alok ang DOLE sa pamamagitan ng TESDA ng skills-related courses/training para sa mga nurse na interesado sa ganoong uri ng trabaho.

Sa talaan ng DOLE, mahigit 220,000 registered nurses ang walang trabaho.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply