Rehabilitasyon ng EDSA, matatagalan pa

edsa-ave-2

IPINAHAYAG ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na dadaan pa sa mahabang proseso bago masimulan ang pagsasaayos ng kahabaan ng Epifanio de Los Santos Avenue (EDSA).

Ayon kay DPWH Director Danilo Edos, ang target nila ngayong taon ay maumpisahan na ang rehabilitasyon.

Tiniyak ni Edos na isang lane lang muna ang kanilang aayusin at isasagawa ang rehabilitasyon tuwing alas-12:00 ng madaling araw hanggang alas-5:00 ng umaga araw-araw.

Samantala, tiniyak naman niya na may inaayos silang traffic management plan na nakatakdang paaprubahan sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maiwasan ang pagbubuhol-buhol ng trapiko.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply