Relasyon ng PHL, US, apektado sa Tubbataha issue

uss-guardian-4

NANGANGAMBA ang isang kongresista na mauwi sa alitan ng Pilipinas at Estados Unidos kung magiging bayolente ang mamamayan dahil sa pagsadsad ng barkong pandigma ng US sa Tubbataha Reef.

Dahil dito, nanawagan si CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna sa publiko gayundin sa iba’t ibang sector na magpakahinahon.

Ito ang naging panawagan ng isang kongresista sa mamamayan na nanggigil sa US matapos ang pagsadsad ng isa sa mga warship nito sa Tubbataha Reef.

Inirekomenda ni Asst. Majority Leader Tugna na patapusin muna ang anumang imbestigasyon sa pagsadsad ng US Navy Warship sa Tubbataha Reef bago pairalin ang anupamang pagiging bayolente at huwag gumawa agad ng konklusyon sa nangyari.

Nanindigan si Tugna na siya man ay maraming katanungan ngunit mahalaga aniya na maalis muna ang barko sa karagatan bago pa man nito tuluyang sirain ang Tubbataha Reef.

Ayon sa mambabatas hindi ito ang unang pagkakataon na may barko ang sumadsad sa naturang lugar dahil noong 2005 ay nagkaroon din ng kaparehong insidente kung saan sangkot ang environmental group na Greenpeace.

“The only way we can get to the bottom of this issue is for a thorough investigation to take place. But that can wait. The most important thing to be done at this moment is to remove that warship first before it causes any more damage to the Tubbataha Reef.”

Marapat lamang aniya na magkaroon ng masusin g imbestigasyon sa insidenteng ito at papanagutin ang lahat ng sangkot dito.

“A thorough and meticulous investigation of the events leading up to this incident is the only way we can draw out a complete and clear conclusion as to why this unfortunate thing happened,” ani Tugna.

Sa ngayon aniya na dapat gawin ng pamahalaan ay gawin ang lahat ng paraan upang matapos na ang pagsisiyasat at alisin na ang barkong hanggang ngayon ay nakasadsad pa rin sa Tubbataha Reef.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply