Rep. Evardone sa UNA: Magpakatotoo

ben-everdone

HINAMON ngayon ng isang Liberal Party (LP) stalwart  ang United Nationalist Alliance (UNA) na ilantad na ang tunay na kulay ng kanilang partido.

Sa isang press conference, tahasang sinabi ni LP Provincial Chairman at Eastern Samar Rep. Ben Evardone na nakalilito na ang mga pahayag at aksyon ng UNA dahil nagpapahiwatig itong kaalyado ng gobyerno ngunit patuloy naman ang ginagawang pagbatikos sa pamahalaan.

Giit pa ni Evardone na kung tagasuporta ng administrasyong Aquino ang UNA ay dapat itong panindigan subalit kung hindi ay marapat lamang na ilantad na ito ngayon pa lamang bago ang eleksyon.

“This showboating ahead of the midterm elections must stop. The UNA cannot straddle two horses by foisting the grand deception upon our voters that it remains fully supportive of President Aquino’s program while undermining the “daang matuwid” agenda with its leaders incessant attacks on his reform programs,” ani Evardone.

Kailangan, aniyang, magpakatotoo na ang UNA sa gitna ng nalalapit na pambansang kampanya.

Nagbabala rin ang kongresista na kapag nagpatuloy sa ganitong sistema ang UNA ay hindi malayong danasin nito ang pagkatalo na dinanas ng Republican party sa Estados Unidos.

“In the same way, UNA candidates are heading for poll defeat should they follow their leaders in going opposition at this time when an overwhelming majority of Filipinos appreciate-and are beginning to reap benefits from-the reform program of President Aquino,” ayon kay Evardone.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply