Mga replika ng Black Nazarene ipuprusisyon

replika

NAGSIMULA nang magtipon-tipon ang mga karosa ng imahe ng Black Nazarene sa Plaza Miranda na lalahok sa gaganaping prusisyon.

Ayon kay Manila Police District-Station 3 Commander, Supt. Ricardo Layug, inaaasahan na ang pagsikip ng daloy ng trapiko sa mga lansangan kaya naman pinayuhan nito ang mga motorista na umiwas munang magtungo sa Quiapo kung wala rin naman silang importanteng mga lakad ngayong araw.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng MPD na magiging maayos ang prusisyon kung saan nakalatag na ang sapat na bilang ng pulis na aalalay sa daloy ng trapiko.

PInayuhan din ni Layug ang publiko partikular na ang mga deboto na huwag nang magdala ng bata at iwasang magsuot ng mamahaling alahas at mga kagamitan upang hindi mabiktima ng mga kawatan na madalas na nananamantala tuwing siksikan ang mga tao sa nasabing okasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply