Replika ng USS Guardian, sinunog ng mga raliyista

uss-guardian-fire

HINDI na nagawang makalapit pa sa tanggapan ng US embassy sa lungsod ng Maynila ang ibat-ibang militanteng grupo na nagsagawa ng kilos protesta upang kondenahin ang USS Guardian na sumadsad sa Tubbataha Reef.

Sa kanto pa lamang ng Mabini at Kalaw Sts. ay hinarang na ng mga awtoridad ang mga grupo.

Ayon kay Bayan-Southern Tagalog Secretary General Erica Chiong, sobra na ang ginagawang pang-aabuso ng mga Amerikano sa kalikasan ng ating bansa kung saan sa pagsadsad ng USS Guardian ay malaki ang idinulot nitong pinsala lalo na sa mga coral reef.

Bukod pa, aniya, sa ginawang pagtatapon kamakailan ng mga Amerikano ng toxic materials mula sa kanilang barkong pandigma sa Subic Bay at ang madalas na pagdaan ng mga nuclear submarine at aircraft carriers sa bansa.

Sa kilos protesta ng militante ay sinunog naman nila ang replika ng USS Guardian.

Kaugnay nito, mahigpit naman ang ipinatupad na seguridad ng Manila Police District upang mapanatili na maayos na matapos ang kilos protesta.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply