Request ni Carabuena na reinvestigation ibinasura

robert-blair

IBINASURA kanina, Enero 17, 2013 ng Quezon City court ang  motion for reinvestigation ng tobacco firm executive na  si Robert  Blaire  Carabuena, ang motorista  na  nahaharap  sa kasong pananapak sa traffic constable ng Metro Manila Development Authority  (MMDA) sa isang traffic altercation sa  Quezon City  nitong nakalipas  na taon.

Sa walong pahinang  kautusan  ni Quezon City  Metropolitan  Trial  Court  Branch  42 Judge  Juris  Dilinila-Callanta, ibinasura  ang  motion ni Carabuena  dahil  sa pagtangging magsumite  ng  counter-affidavit  sa  isinagawang  preliminary investigation sa kaso.

“A review of the record of this case does not show that the accused’s  right  to preliminary investigation, which is a purely statutory one, has not been duly afforded to him,” ayon sa  kautusan.

Itinakda  rin ang arraignment  sa kaso ng  akusado  sa Pebrero  7, 2013  at  ang  pre-trial sa kaso sa  Marso 7,  2013.

Nauna rito, sa motion na hiniling ni Carabuena sa  korte  na   muling  magsagawa ng reinvestigation  sa kanyang  kaso .

Kaugnay  nito, sa  komento  ni  Assistant City Prosecutor Nicasio Rosales, sinabi nito  na si Carabuena  ay  nabigong magsumite  ng  kanyang  counter-affidavit  matapos bigyan ng  tatlong   beses  na oportunidad.

Si Carabuena  ay  sinampahan ng kaso  matapos sapakin  ang  traffic enforcer sa Quezon City  nitong  nakalipas na  taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply