Residente sa 1 brgy sa Iloilo inilikas dahil sa dengue

PANSAMANTALANG inilikas ang mga residente sa Barangay Salvador, Banate, Iloilo makaraang tumaas ang kaso ng dengue fever doon.

Kinailangang ilikas ang mga residente upang isagawa ang pag-spray ng chemicals kontra sa lamok na nagdadala ng nakamamatay na sakit.

Nabatid na umabot na sa 52 ang naitalang kaso ng dengue sa nasabing lugar at isa na rito ang binawian ng buhay.

Tatlong bata naman ang dumagdag sa pinakahuling rekord ng mga biktima matapos magpositibo rin sa dengue.

Ayon sa panayam kay Kagawad Gemma Villaroel sa radyo, walang water system noon sa kanilang lugar kaya’t nag-iimbak ang mga tao ng tubig na siyang tinitingnang dahilan ng paglobo ng bilang na nadadapuan ng naturang sakit.

Ayon naman sa alkalde ng bayan na si Renerose Caborubias, hindi nagpapabaya ang municipal government sa kampanya laban sa dengue.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply