RESIGN COMM. BIAZON, NOW NA!

188640_Bn75x75
SUNOD-SUNOD ang resignation ng mga opisyal ng pamahalaan.
May nagbitiw na undersecretary ng DTI, Pangulo ng Philhealth at ang pinakahuli ay si NDRRMC Executive Director Benito Ramos.
Kung nararamdaman na ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang susunod na kabanata, dapat ay samantalahin na niya ang resignation fever bago mahuli ang lahat.
Puwede niyang gamitin na dahilan ang personal o kaya’y kompromiso sa pamilya para medyo disimulado.
O kaya naman, magpalusot siya na mag-aaral sa Amerika para hindi masyadong halata na kailangan na talaga niyang mag-resign.
Tip ko na sa iyo ito, Commissioner Biazon, mag-resign ka na bago matapos ang buwan ng Pebrero.
Payong kapatid, go ka na, alam mo na siguro ang ibig sabihin n’yan.
***
Nagpasiklab si Biazon nitong nakaraang linggo sa pamamagitan ng pagbalasa sa mga Port collector.
Kailangan daw gawin ito ni Komisyuner para mapalakas ang koleksiyon at ma-meet ang target collection sa taong ito.
Habang nagre-reshuffle ka at hindi pa umaabot ang buwan ng iyong paglisan, puwede bang paki-reshuffle ang dalawang babae r’yan sa Customs na
walang ginawa kung hindi ang mangotong at makipagsabwatan sa mga smuggler?
Isang matandang babae at isang medyo batang bebot ang pakialamero r’yan na itinuturong dahilan ng pagbagsak ng koleksiyon sa 2012.
Commissioner, kilala mo ba ang dalawang ito na asawa ng dalawang politiko?
***
Welcome sa Quezon City ang pagdating ni Senior Superintendent Richard Albano.
Kilala itong intelligence officer ng Central Luzon kaya naniniwala tayong mapuputol na ang kalokohan ng mga bugoy na pulis sa QCPD.
At kailangan ding maputol na ang operasyon ng illegal gambling sa lungsod dahil ang balita natin ay namayagpag ito sa nakaraang administrasyon.
loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply