Restaurant nasunog sa Binondo

fire

NATUPOK ng apoy ang isang saradong restaurant kaninang madaling araw sa Binondo, Maynila.

Nabatid sa Manila Bureau of Fire Protection na nagsimula ang sunog dakong alas 4:30 ng madaling araw sa WTJ Restaurant na matatagpuan sa kanto ng Tomas Mapua at Ongpin Street sa Binondo, Maynila.

Napag-alaman na nagsimulang may lumabas na usok sa ikatlong palapag ng gusali at nasundan na ng pagsiklab ng apoy.

Umabot pa sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang maapula ang apoy mag-alas-6:00 ng umaga.

Naiulat namang nasugatan ang fire volunteer na si Enrico Paule matapos mabagsakan ng bakal habang rumeresponde sa insidente.

Tinatayang aabot sa P200,000 ang halaga ng pinsala ng apoy.

Ayon sa BFP, tumigil ang operasyon ng restaurant noong Disyembre 2012.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng otoridad ang sanhi ng sunog.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply