RH law nakabitin pa rin sa Supreme Court

courtroom

HINDI pa naaaksyunan ng Korte Suprema ang petisyon na kumukwestiyon sa ligalidad ng kontrobersyal na Reproductive Health Law.

Sa kauna-unahang en banc session ng Kataas-taasang Hukuman ngayong taon, nagpasya ang mga mahistrado na isalang na lamang sa kanilang deliberasyon sa susunod na linggo ang nasabing kaso.

Kailangan daw kasi ng karagdagang panahon ni Associate Justice Jose Catral Mendoza, ang mahistrado na naatasang magponente sa kaso, para mapag-aralan ang petisyong inihain nina James at Lovely Imbong.

Sa kanilang petisyon, hiniling ng mga petitioner na magpalabas ang korte ng temporary restraining order para mapigilan ang pagpapatupad ng Republic Act No. 10-354 o Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012.

Nais din nila na ipawalang bisa ng korte ang nasabing batas dahil labag daw ito sa Konstitusyon.

Nabatid naman na si Mendoza ay may dalawang kapatid na pari ng Simbahang Katoliko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply