Richard Gutierrez sad sa pag-alis ni Sarah Lahbati

richard-cutierrez-1

KALUNGKUTAN, ito ngayon ang nararamdaman ng Kapsuo hunk actor na si Richard Gutierrez sa paglisan ng dyowang si Sarah Lahbati sa Pinas upang umuwi sa Switzerland.

Sad ang mahusay na aktor dahil bukod sa hindi niya makakapiling ang dalaga ay nawalan ng pagkakataon si Sarah na maranasan na i-promote ang movie nilang “Seduction” na ipalalabas na sa katapusan (Jan 30). Ayon kay Chard proud siya sa naturang pelikula na kanilang pinagsamahan ni Sarah at ni Solenn Huessaff.

Sa isang panayam, inispluke din ni Richard na matagal na raw plano ni Sarah na umuwi sa Switzerland kahit noong wala pang gusot sa pagitan ng aktres at ng GMA network. Nais aniya ng ama ni Sarah na mag-aral na lang doon ang aktres.

Sinabi rin ni Chard na undecided pa ang dyowa sa ngayon at nandoon ito para makapag-relax at makapag-isip.

Ipinagtanggol din ni Chard and dyowa at sinabing sinubukan ng kampo ni Sarah na ayusin ang gusot bago pa ito sumabog sa publiko.

Giit rin ng actor na propesyunal si Sarah kung trabaho ang pag-uusapan at marami aniya ang makapagpapatunay nito.

Nakalulungkot aniya ang sitwasyon ng girlfriend at nakalulungkot rin na may ganitong isyu sa pagitan ng dyowa at ng kanyang mahal na network.

Ani Chard, sa GMA7 siya lumaki at halos lahat doon ay kakilala n’ya maliban sa mga taga-Artist Center, ang kagusot ngayon ng kanyang dyowa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply