Richard Gutierrez suportado ang GF

sarah-and-chard

SUPORTADO ng Kapuso actor na si Richard Gutierrez ang kanyang dyowang si Sarah Lahbati na ngayo’y nahaharap sa kontrobersiya.

Sa pamamagitan ng photo sharing site na Instagram, ipinahayag ni Richard ang kanyang suporta kay Sarah na may gusot sa mother network nilang dalawa ni Richard, ang GMA7.

Nag-post ang aktor ng photo na may caption na mensahe n’ya para sa GF na nagsasabing: “@sarahlahbati conquering an uphill battle.. No matter what happens love,ill always be here behind you.”

“@sarahlahbati we know the truth is on our side! We stand by it!”

Sa pamamagitan naman ng Twitter ay ipinakita ng ilang kaanak ni Chard ang suporta nila kay Sarah.

Nag-tweet ang mommy ni Chard na si Tita Annabelle Rama ng: “wala akong kinakampihan, pero naaawa lang ako kay Sarah, masyado pa siyang bata para sa ganitong klaseng gulo.”

Habang ang Sister na si Ruffa Gutierrez ay nag-tweet naman ng:  “@SarahLahbati we’re behind you all the way Sarah!! Chin up and keep moving forward. Don’t let negative people bring you down.”

O ‘di ba bongga? Suportado ng pamilya ni Chard ang 19-anyos na aktres na ilang araw na ring nananahimik tungkol sa isyung kinasasangkutan.

Marami ang humuhula na hindi pa nakalalabas ng bansa si Sarah, na mas minabuti sigurong mag-keep quiet muna for now.

Pasasaan ba’t lalabas din ang katotohanan sa isyung ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply